Friday, 3 October 2014

i really realized



I realized that to be a teacher is somehow to be a SUPERHERO.

A super hero that have:
Super-speed to be able to run through the lessons;
Summoning power to combine the ideas of my students to come up for a better one;
Super-Enhanced memory to have the mastery of my lessons;
Danger-sense to sense if one on my class needs help;
Super-endurance to endure the hardships of my profession;
Elasticity to be flexible and be able to adjust to any situations;
And;
Sonic-scream to silent up my noisy students (hehe);

A SUPER HERO needs to be a cautious about his moves. A wrong action will remove the trust of the people; so as being a teacher.

A SUPER HERO has a strong moral code, including a willingness to risk his own safety in the service of good without expectation of reward; so as being a teacher. 

A SUPER HERO has a sense of responsibility; so as a teacher that’s holds a big responsibility.

A SUPER HERO holds the life and future of the town/city he saves. So as being a teacher, in my hands are the lives, dreams, and future of the world.

In comics, the whole world needs a SUPER HERO. 

In Real life, the whole world has a great need of a TEACHER.

ANG MATAMPUHIN


ANG MATAMPUHIN

Damong makahiya na munting masanggi’y
nangunguyumpis na’t buong nakikimi,
matalsikan lamang hamog na konti’t
halik ng amiha’y mabigla sa dampi
mga kinaliskis na daho’y tutupi’t
tila na totoong lanta na’t uns’yami.

Mutyang balintataw ng buwang maningning
sa salang mabiro ng masayang hangi’y
pipikit na agad sa likod ng dilim,
panakaw-nakaw na sa lupa’y titingin,
sa tanaw ng ulap at ng panganorin.

Malinaw na batis ng mahinhing bukal
na napalalabo ng bahagyang ulan,
kahit dahong tuyo na malaglag lamang
ay nagdaramdam nang tila nasugatan; 
isang munting batong sa kanya’y magalaw
ay dumaraing na at natitigilan.

Matingkad na kulay ng mayuming sutlang
kay-sarap damitin at napakagara,
munting mapatakan ng hamog o luha,
ay natulukot na’t agad namumutla;
salang malibangan sa taguang sadya’ y
pinamamahayan ng ipis at tanga.

Kalapating puting may batik sa pakpak,
munting makalaya’y malayo ang lipad;
habang masagana sa sariling pugad,
ay napakaamo at di lumalayas;
nguni, pag sa palay ay minsang manalat,
sa may-alagad man ay nagmamailap.

Oh, Pusong tampuhin! Ang langit ng buhay
ay wala sa pusong laging mapagdamdam; 
hindi nagluluwat ang kapayapaang
mamahay sa palad na hubad sa lumbay; 
lalo sa pag-irog, ang tampo’y di bagay
kaning maya’t-maya at, nakamamatay!

Isang Dosenang klase ng high school students.


Isang Dosenang klase ng high school students.
Excerpt from “ABNKKBSNPLAKo” by Bob Ong:
 \



Sa mata ng isang guro, may isang dosenang klase lang ng high school students.

CLOWNS  – Ang official kenkoy ng class. May mga one-liner na gumigising sa lahat pag nagkakaantukan na. Sabi ng ilang teacher, eto raw yung mga KSP sa klase na dahil hindi naman matalino e idinadaan na lang sa patawa ang pagpapapansin. Pero aaminin ko, walang klaseng walang ganito, at kung meron man, magigigng matinding sakripisyo ang pagpasok sa eskuwela araw- araw.

GEEKS  – Mga walang pakialam sa mundo, libro-teacher-blackboard lang ang iniintindi. Kahit na mainit na ang ulo at bad trip ang teacher, ang mga geeks ang walang takot na lumalapit sa kanila para lang itanong kung mag-iiba ang result ng equation kung isa-substitute yung value ng X sa Y.

HOLLOW MAN  – May dalawang uri ang H.M virus, ang type A at type B. Ang type A ay ang mga estudyanteng madalas invisible, bakante ang upuan, madalas absent. Type B naman ang mga mag-aaral na bagama’t present e invisible naman madalas ang sagot sa mga quiz, hollow ang utak.

SPICE GIRLS  – Barkadahan ng mga kababaihang mahilig gumimik, sabay-sabay pero laging late pumapasok ng room pagkatapos ng recess at lunch break. Madalas na may hawak na suklay, brush, at songhits. Pag pinagawa mo ng grupo ang isang klase, laging magkakasama sa iisang grupo ang SG.

DA GWAPINGS  – Ang male counterpart ng SG, isinilang sa mundo para magpa-cute. Konti lang ang miyembro nito, mga dalawa hanggang apat lang, para mas pansin ang bawat isa. Tulad ng SG, kadalasang puro hair gel lang ang laman ng utak ng mga DG.

CELEBRITIES  – Politicians, athletes, at performers. Politicians ang mga palaban na mag-aaral na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng eskuwelahan at mga kapwa estudyante kesa sa grades nila sa Algebra. Athletes ang ilang varsitarian na kung gaano kabilis tumakbo e ganoon din kabagal magbasa. Performers naman ang mga estudyanteng kaya lang yata pumapasok sa eskuwela e para makasayaw, makakanta, at makatula sa stage tuwing Linggo ng Wika. Sa pangkalahatan, ang mga celebrities ay may matinding PR, pero mababang IQ.

GUINESS  – Mga record holders pagdating sa persistence. Pilit pinupunan ng kasipagan ang kakulangan ng katalinuhan. Sila ang kadalasang nagtatagumpay sa buhay. Masinop sa projects, aktibo sa recitation. Paulit-ulit at madalas magtaas ng kamay, kahit na laging mali ang sagot.

LEATHER GOODS  – mga estudyanteng may maling uri ng determinasyon. Laging determinado ang mga ito sa harapang pangongopya, bulgarang pandaraya, at palagiang pagpapalapad ng papel sa teacher. Talo ang mga buwaya sa pakapalan.

WEIRDOS  – Mga problematic students, misunderstood daw, kadalasang tinatawag na black sheep ng klase. May kanya-kanya silang katangian, konti ang kaibigan, madalas mapaaway, mababa ang grades, at teachers’ enemy.

MGA ANAK NI RIZAL  – Ang endangered species sa eskuwelahan. Straight ‘A’ students pero well rounded at hindi geeks. Teacher’s pet pero hindi sipsip. Hari ng Math, Science, at English, pero may oras pa rin sa konting extra-curricular activities, at gimmicks.

BOB ONGS  – Mga medyo matino na medyo may sayad. Eto yung estudyanteng habang nagle-lecture yung teacher e pinaplano na yung librong ipa-publish nya tungkol sa mga classmates nya.

COMMONERS  – Mga generic na miyembro ng klase. Kulang sa individuality at katangiang umuukit sa isipan. Hindi sila kagad napapansin ng teacher pag absent, at sa paglipas ng panahon, sila ang mga taong unang nakakalimutan ng mga teachers at classmates nila.

Posibleng may mga estudyante na ang katangian ay kombinasyon ng mga nabanggit. Posible ring hindi lahat ng uri ng estudyante ay makikita sa iisang klase.

IV-NARRA



IV-NARRA



Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako'y tila isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.


Organong sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking libingan...


Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo't magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.


Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
at tsaka buwang tila nagdarasal,
Ako'y binabati ng ngiting malamlam!


Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.


Ngunit tingnan niyo ang aking narating,
Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging krus ako ng magsuyong laing
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim


Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha;
kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!


At iyong isipin nang nagdaang araw,
isang kahoy akong malago't malabay;
ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
dahon ko'y ginawang korona sa hukay.